Ganyan ko idescribe ang pagbalik ko sa tindahan ni Ate Ella. Bakasyon ngayon kaya wala kaming ginawa kundi magpabalik-balik sa tindahan at bumili ng kung anu-ano.
Bago ang tindahan na yun kaya dun kami bumibili.Sure kasing di makukunat at luma ang mga chichirya nila. Di tulad sa iba-___-
"Ate, ang gwapo nung nagtitinda ngayon kina ate Ella." sabi agad nung kapatid ko. Obviously, galing na naman yun dun sa tindahan.
"O? Gwapo? Sino?" kunwari walang pakialam ko na taong pero ang totoo, umaapaw sa curiosity ang utak ko.
"Si Niel." at umalis na sya.
O_O y---yung.... YUNG FIRST LOVE KO?!?!
Oo, kilala ko na yung sinasabi nung kapatid ko. Childhood friend ko yun. Tapos crush ko na yung for 6years! Tatag ko diba??? Pero di nya alam. Kinuha sya ng tita nya para sa Maynila pag-aralin. Pero ngayong nandito na sya, it's time to confess ^___^
Sa 6 years ko ba naman na itinago, baka sumabog pa to pag pinatagal ko ng 7 years. Tapos may nagsabi din sa akin dati na gustung-gusto ako ni Niel. Kaya dati, pinangako ko sa sarili ko na sasabihin ko sa kanya kapag nagkita kami. Kahit saan pa yan. Tiwala lang :)
At dahil may dugong kalandian ang nalalaytay sa dugo ko, nagpalit pa ako ng pinakamaayos kong pambahay at kumuha ng pera pambili ng kahit ano sa tindahan.
Baka sakaling maalala pa nya ako.
Ang daming bumibili sa tindahan nila nung dumating ako. Nakapila pa nga. Palibahasa, eto na yung oras para magluto ng hapunan.
At sakto! Sya ang nagtitinda.^____^
Pasimple ko pang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga kamay ko.
At nung ako na yung bibili...
"Ahmm, pabili po ng..."
"Sandali lang ha? Nes! Ikaw na muna dito. nandyan na si Tita Mel. Aalis na daw kami."
At tuluyan na syang umalis nang di ko man lang nasasabi yung nararamdaman ko.

